Recent Posts

Breaking News

‘Pinas namumuro! NBA ratings kuwadruple sa labas ng US

Sa pagdami ng mga international star sa NBA, kasabay nito ang pag-arangkada ng ratings ng liga sa ibang bansa tulad ng ‘Pinas.

Sa ulat ng Forbes, sinaad na Pilipinas ang nangunguna pagdating sa tinaas ng audience sa NBA para sa unang dalawang linggo ng restart ng season.

Kumpara sa naging regular season ratings, umarangkada ang ratings sa mga Pinoy na umakyat ng 325%, ang pinakamataas sa labas ng Amerika.

Sumegunda naman ang Spain sa 130%, habang 88& ang tinaas sa Mexico, 79% sa Lithuania, at 29% sa Italy.

“There has never been a better time to be an international NBA fan,” ayon kay league senior vice president of global media distribution Matt Brabants.

“Between primetime games in key markets around the world, the impact that international players are having on the court, and new broadcast innovations introduced as part of the season restart, there are more ways for international fans to experience the excitement of the NBA than ever before.”

The post 'Pinas namumuro! NBA ratings kuwadruple sa labas ng US first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-namumuro-nba-ratings-kuwadruple-sa-labas-ng-us/)

Walang komento