Recent Posts

Breaking News

Philippines first! Remulla tatalima kay Locsin

Naglabas na si Cavite Governor Jonvic Remulla ng pormal niyang posisyon at pahayag tungkol sa Sangley International Airport project.

Matatandaang ginusto ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na putulin ng Pilipinas ang ugnayan sa mga kompanya na sangkot sa pananakop sa West Philippine Sea (WPS).

Sa kanyang Facebook post ngayong Setyembre 1, pinunto ng gobernador na ang China Airport Construction Corporation (CACC) ang napiling katuwang ng MacroAsia Corporation (na pag-aari ni Lucio Tan ng Philippine Airlines) sa P500-billion world mega project ng Cavite na Sangley International Airport.

“Hindi maaaring itago na ang mother company ng CACC, ang China Contruction & Communications Corporation (CCCC) ay dawit sa isyu ng Spratly Islands sa West Philippine Sea dahil ito ang grupong nagtayo ng mga military bases sa mga parte ng exclusive economic zones ng ating bansa,” banggit ni Remulla.

Naniniwala man aniya siyang kailangan ng bagong paliparan ng bansa para maitualk ang progreso, pero wala aniyang lugar para sa kompromiso.

Dapat aniyang unahin ang interes ng bansa.

“I believe that for PROGRESS and development, the Philippines deserves a new airport. I am unyielding in the belief that the SPRATLY ISLANDS AND THE WEST PHILIPPINE SEA BELONGS TO THE PHILIPPINES,” ani Remulla.

“There is no room for compromise. No other country should lay claim on what is rightfully ours. I believe that while free trade promotes PEACE and PROSPERITY, it should NOT be at the expense of our national dignity,” saad niya pa.

Dinagdag din niyang nakipag-usap na siya sa mga opisyal ng CACC pero hindi niya tinukoy kung ano ang kanilang napagkasunduan hinggil sa pahayag ni Locsin.

Hindi rin aniya dapat maipit ang Pilipinas sa labanan ng Amerika at China.

“I believe that we should prioritize and adopt a “PHILIPPINES FIRST” policy that shall promote the interest of our nation, first and foremost,” ayon sa gobernador.

The post Philippines first! Remulla tatalima kay Locsin first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/philippines-first-remulla-tatalima-kay-locsin/)

Walang komento