Recent Posts

Breaking News

PhilHealth dumudugo na – Senado

Nadiskubre ng Senado na nagdudugo na ang pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil sa mahinang pamamahala na pinalala pa ng katiwalian.

“PhilHealth is hemorrhaging because of inefficient running of the corporation, compounded by corrupt practices inside,” ani Senate President Vicente Sotto III sa report hinggil sa imbestigasyon ng Senate Committee of the Whole sa korapsiyon sa state insurance company.

“How much is PhilHealth bleeding here? In terms of the reported debt-to-equity ratio, it appears that PhilHealth is bleeding dry as it does not have enough money to pay its creditors in the event of liquidation,” aniya pa.

Sineryoso ng Senado ang pahayag ni PhilHealth Senior Vice President Nerissa Santiago na mawawalan na ng reserbang pondo ang PhilHealth pagsapit ng 2022 at kakailanganin ng dagdag-pondo mula sa gobyerno para magpatuloy pa sa operasyon.

Pinunto rin ni Sotto ang paratang ni PhilHealth board member Alejandro Cabading na binabago ang mga financial statement para magmukhang maayos pa ang lagay ng state insurer kahit sa totoo ay baon na ito sa utang at bangkarote na.

Kaya naman, sinabi ni Sotto na dapat magkaroon ng masusing pagsisiyasat sa financial life ng PhilHealth.

“Unless we discover the real state of PhilHealth finances, we will never know. And that lack of knowledge is something all of us can ill-afford to have,” aniya pa.

Ang 88-pahinang ulat ng Senado ay pirmado ng 22 sa 24 senador ng bansa.

Inendorso rito ang pagsasakdal kina Health Secretary Francisco Duque III, resigned PhilHealth chief Ricardo Morales at iba pang opisyal kaugnay sa mga iregular na gastos at proyekto ng ahensiya.

Nirekomenda rin sa Senate report ang mga kasong malversation of public funds, iligal na paggamit ng public funds at paglabag sa antigraft law laban kina PhilHealth Executive Vice President and COO Arnel de Jesus at Senior Vice Presidents Renato Limsiaco Jr. at Israel Francis Pargas dahil sa “improper and illegal implementation” ng interim reimbursement mechanism (IRM) at iba pa.

Emergency fund sana ang IRM na maaaring magamit ng mga ospital at iba pang medical establishment kapag may “hindi inaasahang” pangyayari gaya na lang ng COVID-19 pandemic.

The post PhilHealth dumudugo na - Senado first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/philhealth-dumudugo-na-senado/)

Walang komento