Recent Posts

Breaking News

Pemberton negatibo sa COVID-19

Nagnegatibo sa RT-PCR test para sa coronavirus disease si convicted US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Isinagawa ang swab test kay Pemberton, 25, noong Miyerkoles at inilabas ng Bureau of Corrections ang kopya ng resulta ngayong Sabado mula sa Research Institute for Tropical Medicine.

Nakatakda siyang i-deport pabalik sa US matapos makatanggap ng absolute pardon mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahapon mula sa kustodiya ng Bureau of Corrections ay nailipat na si Pemberton sa Bureau of Immigration.

Si Pemberton ay nahatulang makulong ng hanggang sampung taon dahil sa pagpatay sa Filipino transgender na si Jennifer Laude sa Olongapo City noong 2014.

The post Pemberton negatibo sa COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pemberton-negatibo-sa-covid-19-2/)

Walang komento