Recent Posts

Breaking News

Pemberton naaawa sa pamilya Laude

Nagpaabot ng simpatya si convicted killer Joseph Scott Pemberton sa pamilya ng kanyang pinatay na si Jennifer Laude, ngayong nakalaya na siya at na-deport na pabalik sa Amerika.

Nagpasalamat din ang US Marine sa paggawad sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon, o ang pagtanggal ng lahat ng parusa na pinataw sa isang nahatulang kriminal.

“Mr. Pemberton wishes to express his deepest gratitude to President Duterte for granting him an absolute pardon,” sambit ng abogado ni Pemberton na si Atty. Rowena Garcia-Flores, Setyembre 13.

“He is extremely grateful for this act of compassion,” saad niya pa.

Habang siya’y nakakulong ay pinagnilayan umano ni Pemberton ang pagpatay niya kay Laude, at hiniling na maipabatid ang kanyang pagsisisi.

“To the family of Ms. Jennifer Laude, he extends his most sincere sympathy for the pain he caused,” ani Garcia-Flores.

“In the years he spent in confinement, he spent much time contemplating the many errors in his ways regarding the night of October 11, 2014. He wishes he had the words to express the depth of his sorrow and regret,” aniya pa.

Ngayong araw, nakaalis na ng Pilipinas si Pemberton sakay ng military plane at lumipad mula Ninoy Aquino International Airport nitong alas-9:14 ng umaga, ayon sa Bureau of Immigration.

Natagpuang patay si Jennifer sa isang banyo sa Olongapo City lodge noong Oktubre 2014. Nakalublob ang ulo niya sa kubeta.

Inamin ni Pemberton na sinakal niya si Laude hanggang mamatay, matapos mapag-alamang transgender ang huli.

“I choked it, wrapped my arms around it until it stopped moving, and dragged it towards the bathroom,” ayon pa sa US soldier sa isang TV report.

Nakakulong si Pemberton sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, kung saan nanatili ito sa piitan nang anim na taon bago pagdesisyunan ng korte sa Olongapo na pwede na itong makalaya dahil sa good conduct time allowance.

Pinalagan ito ng pamilya Laude at naghain ng motion for reconsideration, ngunit hindi rin napigilan ang paglaya ng Kano matapos bigyang-pardon ni Duterte.

The post Pemberton naaawa sa pamilya Laude first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pemberton-naaawa-sa-pamilya-laude/)

Walang komento