Recent Posts

Breaking News

PCSO sa mga Pinoy: Tumaya na kayo

Pumalo na umano sa pitong bilyong piso ang nawalang kita sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos ang apat na buwang tigil-operasyon nito dulot ng COVID-19 pandemic.

Sabi pa ni PCSO general manager Royina Garma, Miyerkoles, ang nasabing halaga ay dapat na mapupunta sana sa kanilang “charity fund”.

“Mula noong nag-resume kami noong August 7, kumikita kami pero umaabot lang ng average of 15 percent lang ang sales namin compared doon sa expected na sales namin monthly. Supposed to be kumikita kami ng almost more or less P2 billion ng lotto sales per month pero ngayon, umabot lang kami ng P350 million per month,” paliwanag ni Garma sa isang ulat.

“So ‘pag bumaba ang charity fund, bababa ‘yong nire-remit namin sa Universal Health Care, contribution namin sa Philhealth, bababa din ‘yong mga shares ng mga pinagbibigyan namin na mandated kami magbigay,” aniya pa.

Kaya naman hinikayat ni Garma ang mga Pilipino na tumaya na sa lotto.

“Sana hindi lang ‘yong mga mahilig pong tumaya para suwertihin, ‘yong mahilig din sanang tumulong, bahala na kung suwertehin o hindi ay tumaya na rin sana ng lotto for the sake lang po na ‘yong pera mapupunta po sa charity naman,” dagdag niya.

The post PCSO sa mga Pinoy: Tumaya na kayo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pcso-sa-mga-pinoy-tumaya-na-kayo/)

Walang komento