Recent Posts

Breaking News

PBA sa mid-October na – Mitra

Inaasahan na makapagsisimula sa kalagitnaan ng Oktubre ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020.

Ito ang nabatid nitong Miyerkoles kay Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil Mitra nula sa sa ginanap na Joint Administrative Order (JAO) panel ng Inter-Agency Task Force meeting.

“We are waiting for the IATF,” ani Mitra na suportado nauna ang hakbang ng propesyonal na ligang para tuluyang makapag-scrimmages na ang 12 koponan koponan ng unang play-for-hoop sa Asia.

“Phase by phase kasi ang approach pa natin and we are looking at mid-October para makapagsimula sila (PBA),” wakas na sambit ng opisyal.

Pinayagan ang mga propesyonal na liga sa bansa na makapag-workoutsa limitadong paraan base sa ipinapatupad na safety guidelines at health protocol ng IATF-JAO noong Agosto 25

Naghahnap na rin ang PBA ng bubble venue kahit na gumastos ng malaki upang maisalba lang sa pandemic ang kahit 45th season-opening all-Pinoy conference.

The post PBA sa mid-October na - Mitra first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pba-sa-mid-october-na-mitra1/)

Walang komento