Recent Posts

Breaking News

Patong Patong ‘di kinalawang

Matagal tengga ang karera ng mga kabayo, pero ipinakita pa rin ni stakes race campaigner Patong Patong na nirendahan ni JD Flores ang tikas nitong Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan, Batangas.

Tumakbo si Patong Patong sa PHILRACOM Rating Based Handicap System, pumuwesto sa pangatlo sa largahan at kinuha ang bandera sa unang 100 metro ng labanan hanggang meta, nanalo ng may 10 kabayo ang distansiya sa sumegundong si Calle Loreta habang tersero si Alonzo Hall.

“Mahusay talaga, hindi nagbago ang takbo. Baka ‘yung mga tumatalo sa kanya dati ay puwede na niyang matsambahan dahil matagal na walang karera,” masayang pahayag ni Rudy De Leon sa Facebook page ng karera. (Elech Dawa)

The post Patong Patong ‘di kinalawang first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/patong-patong-di-kinalawang/)

Walang komento