Recent Posts

Breaking News

Patay sa COVID worldwide 900K na

Sumirit na sa 900,203 ang mga mamamayan sa daigdig na sumakabilang-buhay dahil nahawa sa coronavirus disease 2019.

Una sa listahan ang Amerika na may 190,727 namatay, sinundan ng Brazil sa 127,464, at India sa 73,890.

Samantala, ayon din sa virus dashboard ng Johns Hopkins CSSE, pumalo na sa 27,699,112 ang mga taong nahawa sa COVID-19.

Nangunguna ang US (6.36 milyon), kasunod ang India (4.37 milyon) at Brazil (4.16 milyon).

18,636,410 naman na ang mga coronavirus survivor sa buong mundo.

Pinakamaraming gumaling sa Brazil (3.57 milyon), pangalawa ang India (3.4 milyon) at pangatlo ang Estados Unidos (2.39 milyon).

Sa Pilipinas naman ay meron nang 245,143 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Kabilang dito ang 185,543 nakarekober at 3,986 indibidwal na pumanaw sa ating bansa dahil sa nabanggit na nakahahawang respiratory illness.

The post Patay sa COVID worldwide 900K na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/patay-sa-covid-worldwide-900k-na/)

Walang komento