Recent Posts

Breaking News

Party ni Jokic sinira ni Davis

Mukhang pabida na si Nikola Jokic, iniskor ang last 11 points ng Denver at inilagay sa unahan ang Nuggets 2.7 seconds na lang.

Inagaw ni Anthony Davis ang selebrasyon.

Ibinaon ni Davis ang game-winner, isang humahaginit na 3 sa harap pa ni Jokic, para itulak ang Lakers sa 105-103 win at 2-0 lead sa Western Conference finals Linggo ng gabi.

Tumapos si AD ng 31 points, 9 rebounds. Sa dalawang laro sa series, may naipon na siyang 68 points at 19 rebounds.

“I want to take those shots,” deklarasyon ni Davis sa clutch 3s niya sa endgame.

Ikinumpara ni Frank Vogel ang kalmadong tira ni Davis sa mga winners ni Kobe Bryant.

“That was Mamba right there,” anang Lakers coach.

Nagawang agawin ng Los Angeles ang panalo sa kabila ng 23 turnovers.

Lumamang pa ng hanggang 23 ang LA bago nag-rally ang Nuggets.

Nagsalansan si Jokic ng 30 points at 9 rebounds. Naka-19 na bato si Jamal Murray para makaipon ng 25 points, may 15 markers si Michael Porter Jr.

Nag-ambag ng 26 points at 11 rebounds si LeBron James sa Lakers, ilalayo sa 3-0 ang lead sa Game 3 bukas.

The post Party ni Jokic sinira ni Davis first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/party-ni-jokic-sinira-ni-davis/)

Walang komento