Recent Posts

Breaking News

Partial operation ng Metro subway target sa December 2021

Pagsisikapan ng Department of Transportation (DOTr) na maisagawa ang partial operability ng unang underground rail system sa bansa sa kabila ng mga hamon na dala ng COVID-19 pandemic.

Inihayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade na determinado sila at mga partner agency para makumpleto ang partial operability section ng P357 bilyong Metro Manila subway project sa December 2021.

Siniguro ng kalihim na tuloy ang subway project kahit mayroong pandemic.

Sinabi naman ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Bathan na isang malaking hamon sa pagtatayo ng subway ay ang pinatutupad na social distancing dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

“This is being implemented not only in the rail lines but also in the construction site. So one way to address that, following the construction guidelines that are in place from the IATF, is the requirement to add workers and expand the barracks,” ayon kay Batan.

Bukod pa aniya rito ang pagpapasok nila ng mga foreign national at imported equipment kung saan ay nakikipagkoordinasyon sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Bureau of Immigration (BI).

Nabatid pa na idideliber na sa Enero o Pebrero 2021 ang una at pangalawang tunnel boring machine (TBM) na gawa ng JIM Technology Corporation. Gagamitin ang mga naturang TBM sa paghuhukay para ilagay ang mga tunnel ng subway.

The post Partial operation ng Metro subway target sa December 2021 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/partial-operation-ng-metro-subway-target-sa-december-2021/)

Walang komento