Recent Posts

Breaking News

Paolo Duterte niluto kudeta kontra Cayetano

Kumalat ang Viber message ni Davao 1st District Rep. Paolo Duterte kung saan inuudyukan nito ang kanyang mga kasamahang kongresista para mabakante ang House Speakership kung saan si Alan Peter Cayetano ang kasalukuyang nakaupo.

Sa mensahe ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap, sinabi nito na kanyang kakausapin ang Mindanao Block para mapaalis ang mga nakaupo bilang house speaker at deputy speaker dahil sa isyu ng haitian sa pondo.

“I will ask the Mindanao block to declare the seat of the speaker and Deputy speakers vacant ngayon Monday,” parte ng mensahe ni Duterte para kay Yap, kung saan humingi pa ito ng suporta mula sa minorya ng Kongreso.

Naglabas naman ng pahayag si Pulong ukol sa naturang isyu, kung saan pinaliwanag niya na nais niya sanang manahimik sa isyu ng budget allocation bilang delicadeza lalo’t anak siya ng Pangulo.

Ang naturang pahayag umano tungkol sa pagbakante ng Speakership ay dahil sa kanyang pagkadismaya sa mga hinaing ng mga kapwa kongresista ukol sa budget.

“The text message that I sent to another lawmaker — and is now making the rounds — was an expression of my personal dismay upon hearing the concerns of my fellow lawmakers. It was the same message that I sent after one Congressman from the Visayas bloc dragged my name into the issue even after I have already strongly made myself clear over this issue,” lahad ni Pulong.

“Now as Congress continues to be hounded by the issue of budget — something that finds its way up to the current House leadership, how it treats its members, how it approves allocations and budgets with fairness or lack of it — let me reiterate my position,” aniya pa. “I do not want to get involved, however, I wish to help my fellow lawmakers find answers to their questions or remedies to the budget that they proposed for their people.”

Saad pa ni Pulong, kanya nang ipapaubaya ang pag-ayos ng gusot sa kanyang mga kasamang mambabatas, at sakali mang matuloy ang pagbabago ng liderato sa Kongreso ay sinabi nitong isa rin siya sa madadamay dahil nakaupo din bilang deputy speaker.

The post Paolo Duterte niluto kudeta kontra Cayetano first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paolo-duterte-niluto-kudeta-kontra-cayetano/)

Walang komento