Recent Posts

Breaking News

Pamilya Laude ‘di tanggap ‘scripted’ na sorry ni Pemberton

Halata umanong “insincere” at “scripted” ang paghingi ng tawad ni US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton sa pamilya ng pinaslang nitong si Pinay transgender Jennifer Laude.

Nag-sorry si Pemberton, 25, sa pamilya Laude ilang oras bago siya tuluyang makalaya at ma-deport pabalik sa Amerika.

Nagpasalamat din siya, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Rowena Garcia-Flores, kay Pangulong Rodrigo Duterte sa paggawad ng absolute pardon dahil hindi na-record ng Philippine authorities ang good conduct ng Kano.

Sa isang text message sa kanilang abogado na si Virgie Lacsa-Suarez, sinabi ng nanay ni Jennifer na si Julita Cabillan na hindi niya matatanggap ang sorry ni Pemberton dahil “mukhang hindi sincere”.

“Hindi niya ba kayang magsulat ng sarili niyang apology letter?,” sabi pa ni Nanay Julita, sa isang ulat.

Gayundin, hindi kinilala ng kapatid ni Laude na si Marilou ang paghingi ng tawad ng convicted killer.

Banggit pa ni Marilou, “halatang scripted” ang apology na gawa naman aniya ng abogado ni Pemberton.

Natagpuang patay si Jennifer sa isang banyo sa Olongapo City lodge noong Oktubre 2014. Nakalublob ang ulo niya sa kubeta.

Inamin ni Pemberton na sinakal niya si Laude hanggang mamatay, matapos mapag-alamang transgender ang huli.

“I choked it, wrapped my arms around it until it stopped moving, and dragged it towards the bathroom,” napaulat pang sabi ng US soldier.

The post Pamilya Laude 'di tanggap 'scripted' na sorry ni Pemberton first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pamilya-laude-di-tanggap-scripted-na-sorry-ni-pemberton/)

Walang komento