Recent Posts

Breaking News

Palasyo dumistansiya sa hatian ng liderato sa Kamara

Bahala na ang Kamara na magresolba sa isyu sa pagsunod ng gentleman’s agreement kaugnay sa hatian ng termino sa liderato sa Mababang Kapulungan.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng ugong-ugong na posibleng ikudeta umano si House Speaker Alan Peter Cayetano sakaling hindi masunod ang kasunduan na maghahati sila ng termino ni Congressman Lord Allan Velasco sa pagiging House Speaker.

Sinabi ni Roque na hindi na makikialam ang Palasyo sa anumang hindi pagkakasunduan ng mga kongresista.

“The Constituion is clear po, tanging ang mga miyembro lang ng Kamara ang puwedeng magdesisyon kung sino ang kanilang magiging leader. We leave that to the members of the House of Representatives,” ani Roque.

Ipinaliwanag ng kalihim na kaya lamang nagbigay ng guidance noon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsisimula ng 18th Congress sa hatian ng House Speakership ay dahil hindi pa organized noon ang Kamara.

At dahil isang taon at kalahati na aniya ang lumipas, sinabi ni Roque na ipinauubaya na ng Pangulo sa mga kongresista ang paglutas sa kanilang mga hindi pagkakaintindihan.

Umaasa ang Palasyo na hindi maaapektuhan ang pagpasa sa 2021 proposed national budget sa nagaganap na iringan sa Kamara dahil mahalaga ito para sa bansa kaya dapat na maipasa sa takdang panahon.

“Because the 2021 budget is also pure biggest stimulus package, not negotiable po kay Presidente, kailangan maipasa po iyang budget on time,” dagdag ni Roque.

The post Palasyo dumistansiya sa hatian ng liderato sa Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/palasyo-dumistansiya-sa-hatian-ng-liderato-sa-kamara/)

Walang komento