Recent Posts

Breaking News

Pagbibigay ng SAP sa Malabon nagkagulo

RP

Napilitang ipatigil ang pamimigay ng cash aid sa isang barangay sa Malabon City matapos na magkagulo ang mga residente na naghihintay ng ayuda kahit hindi kasama sa listahan ng mabibigyan.

Ayon sa report ng ’24 Oras’, nagkaroon ng kaguluhan sa Barangay Longos matapos magtungo ang mga tao sa isang remittance center gayong 2,552 lang ang nakalista na makakatanggap ng pera sa ilalim ng social amelioration program..

“Hihingi na talaga kami ng request sa police talaga. Kasi meron kaming police dito noon, dalawa, siguro mag-dadagdag kami ng mas marami pa,” saad ni Barangay Secretary Rey John Jumao-As.

Babaguhin naman ng naturang barangay ang listahan para sa pag-resume ng distribusyon sa Setyembre 16.

The post Pagbibigay ng SAP sa Malabon nagkagulo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagbibigay-ng-sap-sa-malabon-nagkagulo/)

Walang komento