Recent Posts

Breaking News

‘Pag tinuloy ng EU parusa sa PH, 200K Pinoy mawawalan ng trabaho – VP Leni

Kung mabigo ang Pilipinas na maabot ang standard ng European Union hinggil sa human rights abuses sa bansa, posibleng maalisan umano ng hanapbuhay ang lampas 200,000 Pinoy.

“Kapag tinanggal ito, ibig sabihin 200,000 jobs ang mawawala sa atin,” wika ni Vice President Leni Robredo habang sinasaad ang datos mula sa European Chamber of Commerce in the Philippines.

Ang tinutukoy niya ay ang 200,000 trabaho na kaugnay sa export sa 27 member state ng EU. Pasok aniya ito sa trade benefits ng ating bansa sa ilalim ng Generalised Scheme of Preferences Plus (GSP+) program.

“Kapag tinanggal ito, about ₱108.9 billion in exports iyong mawawala sa atin kasi sisingilin na ng tax, na dati hindi naman sinisingil,” sabi pa ng Bise sa kanyang radio show ngayong araw, Setyembre 20.

Dahil sa GSP+ status ng Pilipinas, walang taripa na puwedeng ipataw sa higit 6,200 Filipino products na niluluwas sa Europe.

Matatandaang in-adopt ng EU Parliament ang resolusyon na gustong matigil ang drug-war killings at iba pang human rights violations sa Pilipinas. Tinutulak din sa nasabing resolusyon ang kagyat na mga trade sanction sa atin sakaling walang “substantial improvement” at “willingness to cooperate” ang mga lokal na awtoridad.

Imbes na hamunin ang EU na ituloy ang trade sanctions nito sa Pilipinas, dapat ituon ng gobyernong Duterte ang lakas nito sa pagpapatunay na wala itong ginawang mali sa usapin ng mga karapatang-pantao, payo ni Robredo.

The post 'Pag tinuloy ng EU parusa sa PH, 200K Pinoy mawawalan ng trabaho - VP Leni first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-tinuloy-ng-eu-parusa-sa-ph-200k-pinoy-mawawalan-ng-trabaho-vp-leni/)

Walang komento