Recent Posts

Breaking News

P65M gastos ng PBA sa bubble

Milyones ang ibubuhos ng PBA para lang muling magbalik-aksyon ang liga sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay TNT governor at PBA chairman Ricky Virgas, aabot sa P65M ang kailangang ilabas ng liga para sa ‘bubble set-up’ na gagawin sa New Clark City sa Pampanga.

“The commissioner has always stayed away from that question. But I’ll tell you, it’s close to P65 million that will cost us,” lahad ni Vargas sa Power&Play program.

Target na simulan ang mga laro sa PBA sa October 9, kung saan magkakaroon ng double header araw-araw sa loob ng dalawang buwan.

Matatandaan na nasuspende ang laro sa PBA noong Marso nang simulan ang community quarantine dahil sa pandemya.

The post P65M gastos ng PBA sa bubble first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p65m-gastos-ng-pba-sa-bubble/)

Walang komento