Recent Posts

Breaking News

P60M smuggled paputok pinawasak ng BOC

Itinurn-over ng Bureau of Customs (BOC) ang mga puslit na mga pyrotechnic at firecracker na nagkakahalaga ng P60 milyon sa Philippine National Police-Firearms and Explosives Office (PNP-FEO).

Isinagawa ang turnover sa isang blasting site sa Brgy. Pinagbayanan, Taysan, Batangas noong Biyernes.

Ibinigay sa kostudiya ng PNP-FEO ang may 12 40-footer container at inatasang wasakin ang mga ito.

Ayon sa BOC, kinumpiska ang naturang mga shipment dahil sa pagiging misdeclared at inabandona ng mga consignee nitong Stellent Corporation (siyam na container) at Grinder Stone International (tatlong container) dahil sa kabiguang makapagpresinta ng mga import clearance mula sa PNP.

The post P60M smuggled paputok pinawasak ng BOC first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p60m-smuggled-paputok-pinawasak-ng-boc/)

Walang komento