Recent Posts

Breaking News

P4B PPE hindi pa properly accounted – Hontiveros

“Maaaring mas mahigit pa sa isang bilyon ang nakuha sa kaban ng bayan. Higit sa isang bilyon na dapat ginamit na lang para sa ayuda, sa pagtaas ng sahod, at napakarami pang iba.”

Ito ang sinabi ni Senador Risa Hontiveros matapos ihayag ng Department of Budget and Management – Procurement Services (PS-DBM) na hindi nawala ang gobyerno ng P1 bilyon dahil sa overpriced personal protective equipment (PPE) sets, kung karamihan ay nabila sa mga Chinese company.

“The 1 billion-peso loss is even a conservative estimate,” sabi ni Hontiveros.

Batay umano sa second quarter report ng DBM noong Abril hanggang Mayo, nag-oder ang Departhment of Health ng panibagong 5.1 milyong PPE sets na nagkakahalaga ng P10. bilyon.

Nangangahulugan aniya nito na bumili ang DBM at DOH ng PPE sets sa presyong P2,000 kada isa.

“However, also in May, the Palace reported that during their Inter-Agency Task Force meeting, the government procured PPE sets worth P1,100 each. There’s a huge discrepancy there. Where is the extra P900 going?” tanong ni Hontiveros.

“That’s around P4 billion worth of PPE sets that is unaccounted for. Mukhang may nagsasayang ng pera ng mamamayan. Mukhang may kumikita talaga,” dagdag nito.

Dismayado pa si Hontiveros dahil mas piniling bumili ng PPE sa China kesa magpagawa na lang sa mga local manufacturer ng PPE lalo na’t meron namang Confederation of Philippine Manufactureres of PPE (CPMP), isang grupo ng mga kumpanyang Pinoy na puwede ring gumawa ng local PPEs.

Nauna nang sinabi CPMP na kanyang suportahan ang pangangailanga ng ggobyerno sa suplay ng PEE kung may kasapasidad silang gumaa ng 3 milyon coverall at isolation gowns kada buwan subalit ni isa ay walang binili sa kanila ang DOH.

“Kayang kaya ng Pilipino tumugon sa pangangailangan ng kapwa Pilipino. DBM and DOH should immediately engage with and prioritize our local manufacturers. Kung magagawa ito, mas maraming trabaho din ang mapupunta sa Pilipino,” ani Hontiveros.

Nauna na nang naghain ang senadora ng Senate Resolution No. 479 para imbestigahan ang alokasyon ng COVID-19 funds sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act (Republic Act No. 11469).

“We need this audit to inform our budget deliberations in the Senate. I will also have the agencies submit documents related to the aforementioned questionable procurements for our budget hearings. The public can be assured that we will hold them to account,” ani Hontiveros.

The post P4B PPE hindi pa properly accounted – Hontiveros first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p4b-ppe-hindi-pa-properly-accounted-hontiveros/)

Walang komento