Recent Posts

Breaking News

P12 bilyon kailangan pambili ng bakuna vs. COVID-19

Kailangan umano ng Pilipinas ng P12.9 bilyon para makabili ng mga bakuna laban sa coronavirus disease 2019.

Sabi ito ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje ngayong araw, sa pagdinig ukol sa panukalang P127-bilyong pondo ng Department of Health para sa susunod na taon.

“We need P12.9 billion po, pero P2.5 billion po muna ang in-allocate namin kasi po ang scheme, pwede hong loan sa Landbank para ma-cover ‘yung remaining budget requirement,” ani Cabotaje, Setyembre 18.

“Ang mechanism po, uutang po sa Landbank, the purchase will be made by PITC-Pharmaceutical under DTI. Iyong pambayad, kukunin po sa budget ng DOH in the coming years. Iyan po ang aming proposal ng vaccine procurement,” saad niya pa.

The post P12 bilyon kailangan pambili ng bakuna vs. COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p12-bilyon-kailangan-pambili-ng-bakuna-vs-covid-19/)

Walang komento