Recent Posts

Breaking News

Olympian sinuka ng PH Taekwondo Association

Dineklarang personan non grata ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang two-time Olympian na si Donnie Geisler kasunod ng muling pagsasampa ng kaso ng huli sa naturang asosasyon.

Sa nilabas na pahayag ng PTA na pirmado ng kanilang chairman na si Manolo Gabriel, sinabi na ‘expelled’ na sa kanilang samahan si Geisler, at binabawi ang lahat ng rights at privilege na binigay sa atleta.

Matatandaan na nireklamo ni Geisler ang PTA dahil sa mga umano’y pangha-harass at maltrato ng nasabing asosasyon sa kanilang mga atleta.

Kinasuhan din ni Geisler si PTA secretary-general Rocky Samson dahil umano sa paninirang-puri na sinabi tungkol sa kanya ukol sa umano’y panloloko ng Olympian tungkol sa guesting sana sa seminar nina national team member Samuel Morrison at Arven Alcantara.

The post Olympian sinuka ng PH Taekwondo Association first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/olympian-sinuka-ng-ph-taekwondo-association/)

Walang komento