Recent Posts

Breaking News

Olongapo mayor nag-self-isolate

Sumailalim sa self-isolation si Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr. matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang kawani sa lokal na gobyerno.

Sabi ng alkalde, hinihintay pa niya ang resulta ng kanyang coronavirus swab test.

Dagdag niya, isa sa mga nahawang healthcare worker ay tauhan ng city health office.

Sa ngayon, may 346 COVID-19 case na sa Olongapo City kabilang ang 150 aktibong kaso.

The post Olongapo mayor nag-self-isolate first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/olongapo-mayor-nag-self-isolate/)

Walang komento