Recent Posts

Breaking News

OFW na tinamaan ng COVID-19, nadagdagan ng 18

Naitala ng Department of Foreign Affairs nitong Biyernes ang 18 new confirmed coronavirus disease case sa mga Pilipino sa ibang bansa.

Sa kabila nito, walang panibagong namatay dahil sa disease.

Dahil sa mga bagong kaso na na-record sa Asia and the Pacific at Europe, umakyat sa 10,113 ang kabuuang COVID-19 case sa mga Filipino overseas.

Sa bilang 3,081 ang active case o iyong ginagamot sa COVID-19 habang 6,275 ang gumaling na.

Hanggang nitong Sept. 4, 757 na Pilipino naman ang nasawi sa COVID-19 infections. (IS)

The post OFW na tinamaan ng COVID-19, nadagdagan ng 18 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ofw-na-tinamaan-ng-covid-19-nadagdagan-ng-18/)

Walang komento