Recent Posts

Breaking News

NU men’s volley training umalingawngaw sa vlog

Ilanga araw pagkasambulat sa social media ng ilang screenshots sa illegal na pag-eensayo ng National University Lady Bulldogs o women’s volleyball team, isang vlog naman mula sa isang miyembro ng counterpart nilang Bulldogs o men’s volleyball team ang bistado.

Mula ito isang vlog ni libero/setter Benok Ancheta na ipinost sa YouTube nitong Agosto, malinaw na nag-eensayo ang mga student-athlete ng Bustillos-based team sa isang parking lot kahit may lockdown pa dahil sa Covid-19.

“Nandito na kami ngayon sa aming pagte-training-an. Marami tayong makakasabay rito. Syempre sila ‘yung mga naiwan dito. ‘Yung women’s basketball, ‘yung girls’ volleyball and siyempre ‘yung pep squad. So dito muna tayo, bawal kasi sa gym ng school,” litanya ni Ancheta sa vlog.

Ilan sa mga nasa vlog sina Ajhay Asaad Abdul ng men’s volleyball team, Jennifer Nierva ng women’s volleyball, Rhena Itesi ng women’s basketball, Camila Lamina at Shaira Jardio ng girls’ volleyball, at Genard Guerrero ng boys’ volleyball squad.

Iniimbestigahan pa ang University of Santo Tomas Growling Tigers o men’s basketball team nito ng Departrment of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa Sorsogon bubble. Ang Joint Administrative Order group ang sumusuri NU Lady Bulldogs para sa hiwalay na sanction din.

Nagbitiw na si Tigers coach Aldin Ayo sa nakalipas na linggo at nitong Miyerkoles hinambalos ng indeficinite suspension ng UAAP board. Walang pang hatol sa USTe.

The post NU men's volley training umalingawngaw sa vlog first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nu-mens-volley-training-umalingawngaw-sa-vlog/)

Walang komento