Recent Posts

Breaking News

Norwood naglalaway sa All-Filipino trophy

RP

Sa lahat ng accomplishment ni Gabe Norwood, isa na lang ang kinukusiderang kulang niya sa sa PBA.

Ito ay ang All-Filipino championship na hindi pa napagwawagian ni ‘Mr. President’, maging ng Rain or Shine.

“For me on the basketball side, it’s really getting an All-Filipino championship. I don’t have one. Rain or Shine doesn’t have one,” saad ni Norwood.

Dalawang beses nang nakatungtong si Norwood sa Finals ng All-Filipino Cup, ngunit pareho itong bigo sa kamay ng TNT KaTropa at San Mig Coffee na ngayo’y Magnolia na.

Dagdag pahirap pa hindi lang sa ROS, kung sa lahat ng koponan, ang pagdomina ng San Miguel Beer sa Philippine Cup kung saan sila ang five-time defending champion.

“It would be awesome to get that for them especially me, spending my whole career with Rain or Shine,” ayon kay Norwood.

The post Norwood naglalaway sa All-Filipino trophy first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/norwood-naglalaway-sa-all-filipino-trophy/)

Walang komento