Recent Posts

Breaking News

Ninoy parang inihian sa mukha: Marcos holiday binatikos ni Monsod

Tutol si dating Socioeconomic Planning Secretary Winnie Monsod sa panukalang batas na magdedeklara sa September 11 bilang holiday sa Ilocos Norte upang gunitain ang kapanganakan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ani Monsod sa kanyang September 5 column sa Inquirer, magiging katawa-tawa na sa mundo ang Pilipinas kapag naging batas ang House Bill 7137 matapos hangaan nang mapatalsik ang diktador at maging modelo sa ibang nasyon.

Maliban doon ay para na rin daw nitong inihian sa mukha ang pinatay na dating senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., at mga naging biktima ng pandarambong ni Marcos.

“We not only will be the laughingstock of the world, which held us in the highest respect when we overthrew the dictator peacefully and became a role model for all other similar movements to follow, including the fall of the Berlin Wall, but we will also have pissed on the face of Ninoy Aquino and all the victims of martial law, as well as on our faces—the victims of Marcos’ plunder—for which we had to suffer for almost 16 years before we could regain our former per capita income,” giit ni Monsod.

Insulto rin aniya sa mga Ilocano ang holiday para kay Marcos.

“So, the dictator Marcos did a lot for Ilocos while he was president. Does that more than compensate for what evil he wreaked on the Filipino people? The Ilocanos are not dumb. And I am sure they are Filipinos first,” dagdag ni Monsod.

Sa ngayon aprubado na sa huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na magdedeklara sa September 11 bilang “President Ferdinand Edralin Marcos Day” sa Ilocos Norte.

The post Ninoy parang inihian sa mukha: Marcos holiday binatikos ni Monsod first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ninoy-parang-inihian-sa-mukha-marcos-holiday-binatikos-ni-monsod/)

Walang komento