Recent Posts

Breaking News

Negros Oriental Rep. nanggigil kay Villar

SDC

Ayon kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., may ilang distrito sa bansa na ‘di hamak na mas malaki ang natatanggap na pondo mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kumpara sa ibang lugar.

Sa pagdinig ng House committee on appropriations, sinabi ng mambabatas na may “sabi-sabi” aniya na nakakukuha ng P11.8 bilyon ang Camarines Sur at higit P8 bilyon ang Taguig City mula sa DPWH.

Tapos, binanggit niya sina Speaker Alan Peter Cayetano na nagsisilbi ring Taguig-Pateros Rep. at si Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte na nagsisilbi ring Camarines Sur 2nd District Rep.

Pinakumpirma ni Teves kay DPWH Secretary Mark Villar ang pondo ng 2 lugar, pero hindi ito sinagot ng kalihim.

Sabi pa ni Villar, kung may katanungan ukol sa national expenditure program ay “more than willing” sila na makipagtulungan sa Kongreso.

“We will submit the list of those that received [allocations] although I would just like to say there is already—the appropriations committee is in possession of this per district and they can give it immediately. That is immediately available, there’s no—wala namang tinatago,” wika ni Villar.

“I can show you the amount, but it’s not my place to give an opinion on the budget. It’s open for the scrutiny of Congress. With regards to numbers, we go by district engineering office, not by legislative districts. So if you’d like the breakdown, we can also submit that to you,” aniya pa.

Hindi natuwa si Teves sa tugon ng kalihim at giniit na makakuha ng listahan ng top 5 district na may pinakamalalaking pondo mula sa DPWH.

Binanggit niya pa na wala pang P2 bilyon ang natanggap ng kanyang distrito kahit pang-8 umano ito sa absorptive capacity sa bansa.

“Dapat ‘yun ‘yung binibigyan ng malaking budget kasi ibig sabihin nun, nagagamit namin ang pondo namin,” paliwanag ni Teves.

“I’m not satisfied with the answer, I’m very sorry Mr. Secretary. There were two places I mentioned, I want a confirmation kung totoo ba ‘yun na ganun kalaki ang natatanggap nila and I would like to ask why, why the disparity?”

“Hindi ko talaga maintindihan at gusto kong maintindihan ko, ng constituents ko, at ng buong bayan. At sana dumating sa tenga ng ating Presidente na may malaking disparity dito,” saad niya pa.

The post Negros Oriental Rep. nanggigil kay Villar first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/negros-oriental-rep-nanggigil-kay-villar/)

Walang komento