Recent Posts

Breaking News

NDFP gustong ituloy peace talks kay Robredo

Hangad ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na makipag-usap kay Vice President Leni Robredo tungkol sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa Government of the Republic of the Philippines (GRP).

Sabi ni NDFP Negotiating Panel interim chairperson Julie de Lima sa CPP’s Ang Bayan, dapat daw makipagtalakayan ang NDFP sa mga oposisyon, partikular sa Liberal Party.

Dapat din aniyang hikayatin ang “constitutional successor” na si Robredo upang maituloy ang peace negotiation “as a rallying point in the effort to oust Duterte”.

“Prospects for resuming the peace negotiations after Duterte, whether he is ousted or he finishes his term, are possible and desirable,” wika pa ni de Lima.

Sakaling wala na sa puwesto si GRP President Rodrigo Duterte, pwede na umanong magpatuloy agad ang NDFP at GRP sa pag-uusap hinggil sa naudlot na Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER).

Matatandaang kinansela ng Pangulo ang peace talks noong Hulyo 2017 sa kasagsagan ng talakayan sa CASER.

Ayon sa NDFP panel chair, may mga nakasaad na probisyon sa CASER na tumutugon sa isyu ng pandemyang COVID-19.

“The draft agreement has a whole article consisting of seven sections which are devoted to the discussion of the people’s right to health. This includes the establishment of a universal public health system that provides free, comprehensive and quality health services for all,” lahad pa ni de Lima.

The post NDFP gustong ituloy peace talks kay Robredo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ndfp-gustong-ituloy-peace-talks-kay-robredo/)

Walang komento