Recent Posts

Breaking News

NBI exec pasuhol sa drug lord

Arestado ang isang legal official ng National Bureau of Investigation sa loob ng kanyang opisina dahil sa alegasyon ng extortion at bribery.

Kinilala ni NBI- Special Action unit Emeterio Dongallo ang suspek na si Joshua Paul Capiral, hepe ng NBI legal assistant section.

“This is painful because he is supposed to be one of us, but it turned out he sells NBI cases in exchange for money,’’ lahad ni Donggalo.

Lahad nito na ang ‘vigorous order’ ni NBI Director Eric Distor ang naging dahilan ng pagkahuli kay Capiral.

Nagsimula aniya ang surveillance kay Capiral tatlong linggo na ang nakararaan, matapos na matanggal ang ilang sangkot sa Pastillas case.

Lahad ni Dongallo, hind lamang sangkot si Capiral sa Pastillas modus, kundi pati na rin sa pagpapalambot ng kaso kontra sa big-time drug lord na si Kerwin Espinosa at iba pang kontrobersyal na kaso.

Saad pa nito, mayroon silang mga video tape, text message at mga testimonya na magdidiin kay Capiral sa pagtanggap ng suhol.

Napag-alaman na P100,000 aniya ang pinakamababang singil ni Capiral kada suspek para mapagaan ang kaso o hindi kaya’y mawala ang record ng pag-aresto.

The post NBI exec pasuhol sa drug lord first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nbi-exec-pasuhol-sa-drug-lord/)

Walang komento