Recent Posts

Breaking News

Naghakot pa ng player: Ayo babalik sa Letran?

Umuugong na ang mga report sa posibilidad ng pagbabalik ni Aldin Ayo sa Letran matapos ang mahabang diskusyon ng UAAP Board of Managing Directors kaugnay ng naging training ng UST sa Sorsogon.

Ayon sa ilang source, tanging si Aldin lang ang nais maparusahan dahil sa paglabag sa quarantine protocol nang mag-ensayo ang kanilang koponan sa kabila ng pinaiiral na striktong lockdown.

Sa tweet ni Philstar sportswriter Joey Villar, sinabi nito na may ilang mga nagsabi na magbibitiw na umano sa UST si Ayo kasunod ng kontrobersya kinasangkutan sa UAAP.

Hindi pa klaro kung anong parusa ang ibibigay kay Ayo, ngunit kung mapepwersa man itong mag-resign ay posibleng mabigat ang sanction na ibibigay sa head coach.

Kung sakali mang bumalik sa Letran si Ayo, na giniya niya sa kampeonato noong 2015 sa NCAA, posibleng muli niyang hawakan ang dating mga manlalaro sa UST na sina Ira Bataller, Brent Paraiso at Rhenz Abando.

The post Naghakot pa ng player: Ayo babalik sa Letran? first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/naghakot-pa-ng-player-ayo-babalik-sa-letran/)

Walang komento