Recent Posts

Breaking News

Nagamit na rapid test kits nagkalat sa Maynila

Kahit dis oras ng gabi ay napawalis ang mga residente sa isang kalsada sa Maynila matapos matagpuang nakakalat doon ang daan-daang mga gamit nang COVID-19 rapid test kit.

Ayon sa mga saksi, Setyembre 1 ng gabi, butas ang sako ng basura ng isang mangangalakal na dumaan sa M. Dela Fuente Street kung saan nagsilaglagan ang mga rapid test kit.

Nag-aalala umano ang mga mamamayan doon sa posibleng banta sa kalusugan ng gamit nang test kits, at maging ang mga taga-barangay ay nabahala dahil kita sa test kits ang pangalan ng mga gumamit nito, na labag anila sa privacy.

Nagbanta naman si Manila Mayor Isko Moreno na pwedeng ipasara ang establisimiyentong hindi sumunod sa tamang pagtapon ng mga test kit.

Idi-disinfect din umano ang lugar matapos ang nangyari.

The post Nagamit na rapid test kits nagkalat sa Maynila first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nagamit-na-rapid-test-kits-nagkalat-sa-maynila/)

Walang komento