Recent Posts

Breaking News

Murderer Antonio Sanchez COVID-negative

Ayon sa Bureau of Corrections, nagnegatibo sa COVID-19 ang convicted rapist at murderer na si Antonio Sanchez.

Lunes nang isailalim sa swab test si Sanchez, 71, matapos makaranas umano ng mga flu-like symptom, ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag.

Sa parehong araw ay sinugod sa Ospital ng Muntinlupa ang convict dahil sa pagsusuka, diarrhea at shortness of breath, pero dahil puno ang COVID-19 ward doon ay binalik siya sa New Bilibid Prison Hospital.

Lumalakas at bumubuti na rin aniya ang lagay ni Sanchez.

Samantala, hindi pa naglabas ng pahayag ang BuCor ukol sa hirit ng dating Calauan mayor na mailipat siya sa Philippine General Hospital.

Si Sanchez ay hinatulang guilty sa paggahasa at pagpatay sa UP-Los BaƱos student na si Eileen Sarmenta at isa pang UPLB student na si Allan Gomez noong 1993.

The post Murderer Antonio Sanchez COVID-negative first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/murderer-antonio-sanchez-covid-negative/)

Walang komento