Recent Posts

Breaking News

MPBL player Soriano naglako ng dilis, tahong

HABANG break time sa paglalaro dahil sa pandemya, negosyo muna ang inatupag ni Sarangani Marlins forward Carl Soriano.

Lumabas na abala ngayon si MPBL cager Soriano sa pagbebenta ng crispy dilis, adobong tahong at taco sa kanyang tahanan sa Bacoor City.

Si Carl ay naglaro sa Bacolod Master’s Sardines ngunit nalipat ito sa Sarangani matapos magbalasahan at linisin ng liga ang mga player na dawit sa game fixing.

Nagtala ng average na 6 points, 1.5 rebounds, 2 assists at 1 steal si Soriano sa nilipatang koponan.

Bukod kay Soriano, pinasok din ng MPBL player na si James Solero ang pagiging delivery boy.

The post MPBL player Soriano naglako ng dilis, tahong first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mpbl-player-soriano-naglako-ng-dilis-tahong/)

Walang komento