Recent Posts

Breaking News

Mosque sa Bangladesh sumabog, 17 patay

Dahil pumutok ang underground gas pipeline malapit sa isang mosque sa Bangladesh ay pumanaw ang 17 katao, kabilang ang isang 7-anyos na bata.

Napaulat na naganap ang pagsabog habang may night prayer sa Baitus Saldam Mosque sa Narayanganj, Biyernes.

Lahat ng mga tao na ginagamot sa Sheikh Hasina National Institute of Burn and Plastic Surgery sa Dhaka ay namatay.

Samantala, nasugatan naman ang higit 20 katao.

Napaulat din na dahil sa lakas ng pagsabog, hindi bababa sa anim na aircon sa loob ng mosque ang pumutok.

Hinihinala ng awtoridad na naipon ang gas sa loob ng mosque mula sa tagas sa pipeline. Hindi umano makalabas ang gas dahil sarado ang mga bintana gayong nakabukas ang aircon.

The post Mosque sa Bangladesh sumabog, 17 patay first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mosque-sa-bangladesh-sumabog-17-patay/)

Walang komento