Recent Posts

Breaking News

MMDA: Lahat ng Metro mayor aprub isara mga sementeryo sa Undas

Kailangan nang dumalaw ng maaga sa puntod ng mga mahal sa buhay dahil posibleng ikandado ang lahat ng sementeryo sa Metro Manila sa parating na Undas.

Ayon ‘yan kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia, na sinabing lahat ng mga alkalde sa Metro Manila ay pabor na isarado ang mga sementeryo sa All Saint’s Day at All Soul’s Day.

Aniya, magmi-meeting siya kasama ang mga mayor ngayong Linggo para makabuo ng mga polisiya ukol sa pagsasara ng mga sementeryo.

Dati nang sinabi ni Garcia sa TeleRadyo ang naturang plano ng mga Metro Manila mayor.

“Base sa group chat namin, majority talaga. It will be unanimous,” lahad ni Garcia.

Matatandaan na unang inanunsyo ito sa Maynila, nang udyukan ni Mayor Isko Moreno ang kanyang nasasakupan na pumunta ng maaga sa mga himlayan para maiwasan ang mass gathering sa panahon ng pandemya.

The post MMDA: Lahat ng Metro mayor aprub isara mga sementeryo sa Undas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mmda-lahat-ng-metro-mayor-aprub-isara-mga-sementeryo-sa-undas/)

Walang komento