Recent Posts

Breaking News

Mitchell biniyayaan ng P7.8B,5 taon kontrata

Maganda pa ring hinarap ng Utah Jazz ang senaryo kahit luhaang hindi umabot ng 74th National Basketball Association (NBA) 2019-20 second round playoffs.

Pinatunayan ng team na may ibubuga kahit sino ang katapat, nasingitan lang sa Game 7 ng Denver Nuggets.

Lumitaw ang talento ni Donovan Mitchell sa NBA Bubble sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida.

Kaya naman gagantimpalaan ang 23-year-old, 6-foot- 1 shooting guard ng Jazz ng five-year, P7.8B ($160M) maxium contract extension pagsapit ng free agency sa Oktubre.

Mapapaso na sa buwang iyon ang nilagdaang tatlong taong kasunduan ni Mitchell at Utah noong 2017.

The post Mitchell biniyayaan ng P7.8B,5 taon kontrata first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mitchell-biniyayaan-ng-p7-8b5-taon-kontrata/)

Walang komento