Recent Posts

Breaking News

Miami sure win na? Giannis ika-ika, delikado sa Game 4

Sa Lunes, Setyembre 7, ay may tsansang umukit sa kasaysayan ang Miami bilang unang 5th seed na makakatungtong sa Conference Finals ng walang talo.

At ang kanilang biktima ay ang may best record sa regular season na Milwaukee Bucks.

Ilang oras bago ang bakbakan ay nilista ng Bucks na kuwestiyonableng makalaro ang kanilang superstar na si Giannis Antetokounmpo, kahit pa lugmok ang kanilang koponan sa 0-3 hole.

Ito’y matapos na magtamo ng sprain sa right ankle si Giannis sa first quarter ng Game 3, ngunit pinilit pa rin nitong makabalik sa laro.

Ayon sa ilang report, nakitang paika-ika na si Giannis matapos ang naturang laban kung saan Miami ang wagi, 115-110.

Kung sakali, mapapadali kay Jimmy Butler at Miami ang pagsungkit ng unang Eastern Conference Finals spot kapag tuluyang magarahe si Giannis, na nag-aaverage ng 27.6 points, 15.0 rebounds at 6.4 assists sa playoffs.

The post Miami sure win na? Giannis ika-ika, delikado sa Game 4 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/miami-sure-win-na-giannis-ika-ika-delikado-sa-game-4/)

Walang komento