Recent Posts

Breaking News

Mga suspek sa Jolo twin blasts nasa ‘Pinas pa – PNP

Sa palagay ng Philippine National Police, hindi pa nakaaalis ng bansa ang mga pasimuno sa naganap na twin blasts sa Jolo, Sulu kamakailan.

“Naniniwala tayo na nariyan lamang sa Sulu nagtatago ang mga suspek pero kailangan pa rin natin magtaas ng level of awareness ang public para makatulong sila dito sa pagtugis sa mga suspek at sa paglaban sa banta ng terorismo,” sabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac sa ABS-CBN’s Teleradyo, Setyembre 1.

Kaiba ito sa naunang pahayag ni Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco na “nagtangkang tumakas o nakatakas na sa Sulu” ang mga suspek na sina Abu Sayyaf bomb expert Mundi Sawadjaan at dalawang Indonesian national na sina Andi Baso at Reski Fantasya.

Si Sawadjaan ang tinuturo ng militar na mastermind ng nasabing mga pagsabog sa Jolo na kumitil ng 15 katao at sumugat ng 75 iba pa.

The post Mga suspek sa Jolo twin blasts nasa 'Pinas pa - PNP first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-suspek-sa-jolo-twin-blasts-nasa-pinas-pa-pnp/)

Walang komento