Recent Posts

Breaking News

Mga resto owner sa madla: Mag-dine in na

Tinitiyak naman ng mga kainan ang health at safety protocol sa kanilang puwesto, ayon sa isang organisasyon ng mga restaurant owner, kaya nanawagan sila sa mga Pinoy na mag-dine in na para hindi sila tuluyang malugi at magsara.

“To the consuming public, sana po ay we have the confidence to come out of our homes and enjoy what we used to enjoy in our daily lives,” sambit sa GMA News ni Resto PH President Eric Teng.

“Ang restaurant po is not just about food; it’s also about sharing time with friends and family. Please, come out, support your local restaurants, enjoy safety in our restaurants,” aniya pa.

Ilan sa mga pinatutupad na protocol sa mga kainan laban sa COVID-19 ay ang hand sanitizer, foot bath, marking sa sahig para sa social distancing, at divider sa mga lamesa para hindi magkahawaan ang magkatapat na uupo.

Bukod dito, cashless na rin ang pagbayad ng order, may lalagyan ng face mask kapag kumakain, at nagsasagawa ng sanitation sa resto ilang beses kada araw.

Ayon sa Resto PH, dahil sa kasalukuyang sitwasyon ay maraming maliliit na restaurant owners ang nalulugi at napipilitang magsara ng negosyo.

“Ang kailangan po namin ay bumalik po ‘yung dine-in portion, sana man lang, maka-kalahati ng sales namin ay dine-in,” sabi ni Teng.

“Kailangan lang po talaga namin ng support ng government, support ng public,” aniya pa.

Hindi raw sapat ang mga take-out at delivery para makabawi ang mga kainan sa hagupit ng COVID-19 pandemic sa kanilang negosyo.

Ang restaurant industry ang ikatlong sektor na pinakatinamaan sa coronavirus health crisis.

The post Mga resto owner sa madla: Mag-dine in na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-resto-owner-sa-madla-mag-dine-in-na/)

Walang komento