Recent Posts

Breaking News

Mga residente sa Baseco nagpiyesta sa inanod na mga ‘asuhos’

Nagtungo ang mga residente sa baybayin ng Baseco na may bitbit na mga lalagyan matapos mapadpad sa lugar ang mga isdang Whiting na mas kilala sa Pilipinas na “asuhos”.

Ayon sa grupo ng mga mangingisda na Pamalakaya, matatagpuan ang mga asuhos sa Manila Bay.

Kaya ilang mangingisda ang nagbabala tungkol sa mga environmental factor na nagdulot ng bihirang phenomenon gaya ng ecological disturbance.

Ilang mangingisda sa Cavite ang nagsabing posibleng dahilan ng pagtungo ng mga isda sa baybayin ang water pollution.

“We highly believe that this is unusual, and not some natural occurrence. We are calling the BFAR (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources) to get to the bottom of this; conduct water and fish sample testing for potential contaminants,” pahayag ng Pamalakaya.

The post Mga residente sa Baseco nagpiyesta sa inanod na mga ‘asuhos’ first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-residente-sa-baseco-nagpiyesta-sa-inanod-na-mga-asuhos/)

Walang komento