Recent Posts

Breaking News

Mga pulis sa QC nagbarilan

Inaalam pa ngayon ng awtoridad ang motibo ng pamamaril ng isang parak sa Quezon City sa kanyang mga kapitbahay na kapwa-pulis.

Batay sa ulat mula sa Quezon City Police District, nangyari ang insidente nitong Setyembre 3 ng umaga. Kinilala ang suspek na si Police Lt. Emmanuel Jovero ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) sa Camp Crame.

Napag-alamang pumunta si Jovero sa bahay ni Pat. Nurruhudin Salahudin, ng Regional Crime Laboratory Office, sa Barangay Bagong Lipunan ng Crame.

Magkapitbahay sina Jovero at Salahudin.

Lumabas ng kanyang silid si Salahudin nang marinig ang ingay sa labas. Nakita umano niya ang suspek na hindi mapalagay habang hawak ang sling bag nito.

Tinutok umano ni Jovero ang baril nito laban kay Salahudin, tapos kinulong sa loob ng banyo ang isa pang pulis at kapitbahay na si Pat. Romesyl Destura.

Rumesponde na rito ang mga tauhan ng QCPD Station 7 sa P. Tuazon Boulevard at hiniling na mapayapang sumuko si Jovero.

Hindi sumunod ang pulis na suspek at ginamit pa umano ang kanyang anak bilang human shield habang namamaril sa kanyang mga kapwa-parak.

Matapos masugatan ay bumalik sa banyo si Jovero, pero nanlaban na rito sina Salahudin at Destura.

May nangyaring pagtatalo na humantong sa pagtamo ng tama ng baril sa mga katawan nina Jovero at ng anak nito.

Dinala silang lahat sa PNP General Hospital sa Camp Crame para gamutin.

Samantala, inatasan na ni QCPD Chief Brig. Gen. Ronnie Montejo ang mga tauhan nito na imbestigahan ang naturang insidente.

The post Mga pulis sa QC nagbarilan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pulis-sa-qc-nagbarilan/)

Walang komento