Recent Posts

Breaking News

Mga proyekto ng gobyerno pinasasapubliko

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang mga protektong ginagawa at nagawa na ng gobyerno para aniya mabatid ng madla kung alin sa mga ito ang kuwestiyonable at pinagkakitaan.

Sinabi ng Pangulo na kabilang dito ang proyektong nasa proseso pa lamang ng negosasyon, gayondin ang mga naisalang na sa bidding at mga nakumpletong project.

Nais ng Presidente na matumbok ang mga kawatan na aniya ay nakikinabang sa infrastructure projects lalo na ngayong kabi-kabila ang mga malalaking proyekto sa ilalim ng Build,Build, Build program.

“Gusto kong malaman kung sinong nag-dive. If it’s a 50 million, dinive mo ng 30, may konsabo yan. So what do you expect of a 30 million project? ,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na nais niyang mailabas sa mga pahayagan ang lahat ng mga ibini-bid na mga proyekto, saan at kung magkano , pati na rin ang nanalong bidder bilang bahagi ng ipinapatupad na transparency ng administrasyon.

“The goal is t inform the public about government projects, the natire and amount of the projects and to whom they are awarded,” dagdag ng Pangulo.

Madalas sabihin ni Pangulong Duterte sa kanyang mga talumpati na ang lowest bid ang pangunahing ugat ng korapsiyon sa gobyerno mula sa national level hanggang sa barangay kaya dapat na matigil na ang ganitong sistema.

Hiniling na ng Pangulo sa Kongreso na alisin na ang bidding process sa mga transaksiyon ng gobyerno para hindi makompromiso ang serbisyo sa mga tao.

The post Mga proyekto ng gobyerno pinasasapubliko first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-proyekto-ng-gobyerno-pinasasapubliko/)

Walang komento