Recent Posts

Breaking News

Mga Pinoy worker wanted sa Bahrain

Tumatanggap na muli ang Bahrain ng mga Pinoy na manggagawa matapos ang anim na buwang suspensyon sa hiring ng mga domestic worker.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), tinanggal na ng Bahrain Labor Market Regulatory Authority ang ban sa pagtanggap ng mga manggagawa mula ibang bansa noong magsimula ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, karamihan sa mga employer sa Bahrain ay mga Pinoy worker ang gustong kunin.

Nanggaling ito mismo kay LMRA preventive inspection director Ahmed Junaid kung saan sinabi na mga Pinoy ang ‘most preferred’ na kunin ng mga negosyante sa kanilang bansa.

Nagbabala naman ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) na iwasan ang mga employer na gumamit ng mga hindi lisensyadong domestic expatriate employees employment offices (DEEEOs) sa pag-hire ng mga Pinoy.

The post Mga Pinoy worker wanted sa Bahrain first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pinoy-worker-wanted-sa-bahrain/)

Walang komento