Recent Posts

Breaking News

Mga pasaway sa quarantine pwede na ireklamo sa Facebook

Digital na rin ang paraan ng pagrereklamo para sa mga mahuhuling sumusuway sa quarantine protocol sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ito.y matapos ihayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na gumawa sila ng Facebook account para mapabilis ang pagsusumbong sa mga lalabag sa protocol.

Ayon sa pahayag ni Eleazar, marami na umanong kumakalat sa social media na mga larawan at video ng pagpapasaway sa health protocol na hindi patas para sa ibang sumusunod dito.

“Through the Facebook account of the Joint Task Force COVID Shield, they will be given a platform to immediately report to us any blatant violation of quarantine rules such as engaging in drinking sessions, large parties and celebration and even illegal gambling in public places. All they need to do is to send us the photos and videos and we will take care of the rest,” ayon kay Eleazar.

Inudyukan din ng JTF COVID Shield ang pulisya na magbantay sa social media para sa mga posibleng paglabag sa protocol.

Siniguro naman ni Eleazar na susunod sila sa Data Privacy Act at mananatiling protektado ang mga datos na ire-report sa kanila.

“The PNP will not monitor private social media accounts because first, it is illegal and second, our local police stations do not have the capability to do it,” saad ng JTF COVID shield commander.

The post Mga pasaway sa quarantine pwede na ireklamo sa Facebook first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pasaway-sa-quarantine-pwede-na-ireklamo-sa-facebook/)

Walang komento