Recent Posts

Breaking News

Mga naghahanap ng trabaho sagot ni Robredo

Gumawa ng paraan ang opisina ni Vice President Leni Robredo para matulungan ang mga Pinoy na naghahanap ng trabaho ngayong COVID-19 pandemic.

Sa pahayag ng Office of the Vice President, nilunsad nila ang job posting website na Sikap.ph, kung saan may libo-libong trabaho na pwedeng applyan.

“We have been receiving a lot of SOS messages from people looking for work. When we were doing our shuttle services, we had passengers who were doing door-to-door job applications,” ayon kay Robredo.

“We hope that, through this platform, they would have an easier time finding work opportunities,” aniya pa.

Ang proyektong ‘bayanihanapbuhay’ ay sinuportahan ng EMS Services Philippines, Inc. (ESPI), D.M. Consunji, Inc., Lots’a Pizza, Concentrix, Empire East Land Holdings, AECOM Philippines, GET Philippines, McBride Corporation, Omni Petroleum Corp, at Solarwinds Software Asia PTE LTD – Philippines Branch.

 

 

The post Mga naghahanap ng trabaho sagot ni Robredo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-naghahanap-ng-trabaho-sagot-ni-robredo/)

Walang komento