Recent Posts

Breaking News

Mga LGBT mahal ng Diyos – Pope Francis

Tiniyak ni Pope Francis sa mga magulang na may anak na parte ng LGBT+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, at iba pa) community na ang mga ito ay mahal ng Diyos at ng Simbahang Katoliko.

Saglit na nakausap ni Francis ang nasa 40 Italiyanong nanay at tatay ng mga LGBT matapos ang General Audience nitong Miyerkoles, Setyembre 16. Mga kasapi sila ng Tenda di Gionata (Jonathan’s Tent) na isang support group ng mga magulang ng mga Kristiyanong LGBT.

“God loves your children as they are,” napaulat na sabi ni Pope Francis.

“The church loves your children as they are, because they are children of God,” aniya pa.

Nagbigay ang Tenda di Gionata sa Santo Papa ng booklet na pinamagatang Genitori Fortunati (Fortunate Parents), na dinedetalye ang mga karanasan ng mga naturang magulang sa simbahan, at ang matagal na nilang hiling na tanggapin ang kanilang mga anak ng mga taong-simbahan.

“We consider ourselves fortunate because we had to change the way that we had always looked at our children. We found a new way of looking that enabled us to see in them the beauty and love of God,” sambit ni Mara Grassi, ang bise presidente ng support group, kay Francis.

“We wish to create a bridge to the church so that the church too can change its way of looking at our children, no longer excluding them but fully welcoming them,” aniya pa.

Tugon naman aniya ng Santo Papa sa kanya: “The church does not exclude them because she loves them deeply.”

The post Mga LGBT mahal ng Diyos - Pope Francis first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-lgbt-mahal-ng-diyos-pope-francis/)

Walang komento