Recent Posts

Breaking News

Mga lalahok sa COVID-19 trial babayaran – DOST

Magbibigay ng kabayaran ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mga Pinoy na lalahok sa mga clinical trial sa posibleng bakuna kontra COVID-19.

Inanunsiyo ito ni Department of Science and Technology Secretary Fortunato Dela Peña ngayong Biyernes, isang araw matapos niyang ilahad na gagawin ang mga virus vaccine trial sa Metro Manila, Calabarzon at Cebu.

Bibigyang-prayoridad aniya ang World Health Organization’s Solidarity Trial na posibleng kumuha ng 1,000 volunteer mula sa mga barangay na may mataas na bilang ng nahawa sa coronavirus.

“There will be a compensation para sa araw na hindi sila makakapagtrabaho [dahil bibigyan sila ng bakuna]. Two doses kasi iyon,” banggit ni Dela Peña sa DZBB, Setyembre 11.

“May kasama rin meal allowance… kung babiyahe pa sila, may transportation allowance. The IATF approved that there should be a harmonized amount,” saad niya pa.

Gayunman, pag-uusapan pa aniya ng IATF at ng kanilang Ethics Research Board ang eksaktong halaga ng ibabayad sa mga Pinoy trial volunteer.

The post Mga lalahok sa COVID-19 trial babayaran - DOST first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-lalahok-sa-covid-19-trial-babayaran-dost/)

Walang komento