Recent Posts

Breaking News

Mga grupo todo biking, jogging kontra ‘white sand’ sa Manila Bay

Kakaiba ang pakulo ng mga mangingisda at environmentalist upang ipanawagan ang “ayuda at pagkain, hindi buhangin!”

Ang tinututulan ng Pamalakaya, Nilad, Manila Baywatch, at Baseco Peoples’ Alliance ay ang “beach nourishment project” ng Department of Environment and Natural Resources o ang pagtatambak ng synthetic na puting buhangin sa Manila Bay.

Wika ng mga grupo na nag-jog at nag-bike mula Rajah Sulayman Park hanggang Manila Baywalk kanina, habang sinusunod ang social distancing, imbes na “aesthetic surgery” ay magsagawa ng totoong rehabilitasyon sa bay.

“We demand immediate termination of this project, as it does not benefit the fishers and poses harm to the environment,” ayon pa sa fisherfolk group na Pamalakaya, Setyembre 11.

Kinuwestiyon din ng mga grupo ang ginamit na pondo para sa proyekto ngayong maraming mga Pinoy ang sinalanta ng pandemyang COVID-19. Una nang sinabi ng DENR na ang badyet para sa programa ay mula pa sa pondo noong 2019.

Ang ginigiit ng mga kritiko, ang “white sand”, na sa totoo ay pininong dolomite rock mula Cebu, ay maaaring magdulot ng respiratory illness sa mga taong makalalanghap nito.

The post Mga grupo todo biking, jogging kontra 'white sand' sa Manila Bay first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-grupo-todo-biking-jogging-kontra-white-sand-sa-manila-bay/)

Walang komento