Recent Posts

Breaking News

Mga estudyante sa CHED: Hindi kami robot!

Walang pakialam ang pinuno ng Commission on Higher Education sa mental health ng mga estudyante at guro, ayon sa maraming netizen.

Nanggalaiti kasi sila sa pahayag ni CHED chairperson Prospero De Vera na dahil in-adjust ng mga paaralan ang kani-kanilang academic calendar dulot ng pandemyang COVID-19, maaari nang alisin ang summer break mula Marso hanggang Mayo, o ang Christmas break sa darating na Disyembre.

Sang-ayon din siyang magsagawa na ng klase sa weekend, kabilang ang Linggo, dahil aniya “flexible” na ang paraan ng pag-aaral sa mga pamantasan habang may pandemya.

Dahil dito, binansagan ng mga netizen si De Vera na “insensitive” at “walang puso”.

May mga giniit naman na tao sila at hindi makina o robot.

May ilan ding netizen na binanggit ang mga kaso ng education-related suicide na naganap habang tinutulak ng gobyerno ang distance learning habang may pandemya.

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga mamamayang may katanungan tungkol sa mental health, kinakailangan ng counseling, may hinaharap na suliranin, o nanganganib na kitlin ang sariling buhay:

National Center for Mental Health 24/7 Crisis Hotlines
Mobile: 0917-899-8727
Landline: (02) 7-989-8727 o 1553 (toll-free)

The post Mga estudyante sa CHED: Hindi kami robot! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-estudyante-sa-ched-hindi-kami-robot/)

Walang komento