Recent Posts

Breaking News

Mga COVID-19 health official pinapaulanan ng death threat

Pinagbabantaan ang buhay ng mga health official sa iba’t ibang parte ng mundo dahil lang nag-aabiso ang mga ito sa madla laban sa coronavirus pandemic.

Noong Agosto, sinabi ni Dr. Anthony Fauci na top-infectious disease expert ng US na nakatanggap siya ng death threat dahil sa “politikal na tono” ng virus.

Nagpayo si Fauci na mag-social distancing, expanded testing, at contact tracing–mga bagay na minsan ay taliwas sa mga pahayag ni American President Donald Trump.

Samantala, sa Australia, napaulat na nakatanggap din si Queensland chief health officer Jeannette Young ng mga pagbabanta.

Sa ngayon, nakaistasyon ang pulisya sa labas ng bahay ni Young, matapos nitong isara ang Queensland borders sa mga kalapit nitong state. Dahil sa nabanggit na anti-coronavirus policy ay may mga residente na hindi nakadalo sa libing ng kanilang mga mahal sa buhay.

Napaulat na nakatanggap din ng death threats ang mga eksperto sa
Germany na sina Karl Lauterbach at Christian Drosten matapos magpatupad ang bansa ng shutdown at tigil-eskuwela sa panahon ng spring.

Ni-report naman ni Swedish physician Anders Tegnell sa pulisya na nakatanggap siya at ang kanyang pamilya ng death threats.

The post Mga COVID-19 health official pinapaulanan ng death threat first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-covid-19-health-official-pinapaulanan-ng-death-threat/)

Walang komento